Thursday, March 5, 2015

Letting Go, and Getting Ready...

My iPod is starting to deteriorate. Unang nagpaalam sa akin yung lightning cable. Original yun. Pero matindinding kalaban ang panahon. Things may come as brand new but, time will tear it to pieces. Literally. Eventually, some things can replace it pero wala pa ring tatalo sa original. Iba ang original.

Sumunod na nagpaalam sa akin yung earphones ko. Original din yun. I don't know but for the fact that the sound it produce is awesome, it's a bit pricy if you check out apple stores. So, yeah, the right ear piece is not working anymore. You have to do a little shaking at the edge of the jack so as to find that perfect position for the wire to suddenly revive itself and come back to life.

And now, my iPod. I have a lot of issues with it. The first major thing was when I stayed in Cebu for a period of three months. Work-related. I use apps. Kinda like those apps that needs your location in order for it to work. Well, eventually, when I came back in Manila, it oftentimes picks up my last location when I was in Cebu. Pity.

I use my iPod in so many ways that I forgot the last time I turned it off. Wait... Did I ever turned it off..? for more than 2 fucking years I didn't.

Andami kong nagagawa sa iPod ko. Especially pag bored. There's music. If I need porn, there, well, porn sites. If I need games, there's 1010! and MMM Fingers. Thanks a lot, Cha! Peor siguro gaya nga ng sabi nila, naghahanap na lang siya ng bagong kapalit. Tumanda na lang, napagod, gigive up, at eventually mawawala.

One thing I realized kung bakit it is so hard for me to even think that I'll lose him, is, it's so fucking expensive. I don't see myself buying expensive gadget. Para sakin hindi siya worth ng ganung presyo. Papatayin ng nun boredom mo but then, you can definitely live without it. Sigh... But yeah, I am looking forward to the new one.

Inexpect ko nang dadating ang araw na iiwan niya ako. At dahil dun, pinaghandaan ko na ang sarili ko sa gagawin kong pag move-on.

Sunday, January 11, 2015

Allan, thank you.

Have a safe trip pabalik ng HongKong, Allan. :-)

Mahigit nang isang taon. Tagal na. Nakapag-adjust na. Bakit? Matagal din akong nasanay sa ganung routine dati. "Lunes, workout sa umaga ng Combat at Pump," "Sabado, Megamall na yan back to back Pump at Combat, tangena pati RPM pinatos pa at kinover, sige attend na din," "Shet kalayo ng Fairview, pero sige..."

Ang hirap-hirap mag adjust nung mga unang linggo after mong umalis ng Pilipinas para mag work sa Hongkong. Alam mong hinahanap mo yung malaking boses na nagtuturo ng combat at pump at rpm. Yun lang ang boses na magpapasunog ng ganun kadaming calories. Yun lang ang boses na merong kapangyarihang magpabuhat sakin ng 52.5 Kg sa Squats ng Pump. Yun lang ang boses na kayang magpa jump knee sakin sa combat kahit warmup pa lang. Yun lang ang boses na kayang magpa-attend sakin sa RPM kahit ayaw na ayaw ko ng program na yun dahil nakakalawit dila at kaluluwa sa sobrang hirap. Imagine mo yung ganung feeling tapos mawawala, at alam mo kailangan mong maghanap ng bagong boses na magpu-push sayo the same way ng pagpu-push mo samin noon. MAHIRAP.

At since malakas naman ako, nakayanan naman. Nasanay na din ako sa boses ng iba, sa classes ng iba, at eventually, nasanay na wala ka na dito sa Pinas. Napalitan naman yung classes mo ng mga taong sobrang passionate din sa ginagawa nila so bawing bawi din. Jatts, sobrang galing and glad too na siya naging mentor ko for BodyCombat.

Sa konting-konting araw mong inilagi dito sa Pilipinas, nabalik yung dati kong hype. Yung energy ng class mo. Yung boses na kalakas maka push. Nakakatuwa. Parang, "Uy, na-miss ko yung ganitong class ah!" Yung parang nasanay kang magkanin buong buhay mo, tapos bigla kang magda-diet, walang kanin ng ilang buwan, and then after magkakanin ka ulit. Yun. wait, what?! Hahaha.

Ang point ko lang, you were an inspiration. Gusto kong ibigay din sa ibang tao yung pagpu-push at pagmo-motivate na ginawa mo sakin, samin, dati. I want to influence and motivate people the way you influenced and motivated me. well... Minus the cuts and the mucles and the charisma mo sa tao. :-p You were not just my teacher, you were and will always be a great friend. Dati dalawa tayong gullible sa Dynasty, ngayon ako na lang.

Maraming maraming salamat ulit sa presensiya mo at... well... babalik ka naman ulit dito. Have a safe trip ulit, and keep motivating and inspiring people. You are good at that. :-)

PS. Sayang nawawala yung picture mo nung hindi ka pa nagwo workout. :-p gusto ko sanang ipost din. Hehehe.